MANILA, Philippines - Nakabitin pa ang pagsali ng San Miguel Beer sa FIBA Asia Champions Cup na dapat ay gagawin sa Nobyembre sa Amman, Jordan.
“Wala pa kaming balita kung maglalaro kami sa Champions Cup dahil wala pa kaming nakukuhang forÂmal invitation para rito,†wika ni Beermen team manager Rico Meneses na nakasama ang coach na si Leo Austria at mga players na sina Brian at Justin Williams, Asi Taulava at Chris Banchero sa PSA Forum.
Ang San Miguel Beer ay may karapatang makalaro sa torneo dahil ang kamÂpeon at pumangalawa sa Asean Basketball League ay binibigyan ng imbitasyon ng FIBA-Asia.
“Kung mabigyan man tayo ng imbitasyon ay nakaÂdepende pa ang pagsali natin sa dalawang bagay. Una ay kung papayag ang management at ang ikalawa, dahil November ito balak gawin, baka wala pang team noon. Kaya wala pa talagang linaw dito,†dagdag ni Meneses.
Isang pagpupulong ng management ng San Miguel Beer at ng buong koponan ang gaganapin anumang araw para alamin ang plano sa ikalimang seaÂson ng ABL na inaaÂsahang magbubukas sa Enero.
“Sa ngayon ay dapat muna naming namnamin ang panalong ito na tunay na pinaghirapan ng mga players,†wika ni Austria na nakuha ang unang interÂnational title sa unang pag-upo bilang head coach ng Beermen.
Makulay ang kampanÂya ng Beermen dahil gumawa sila ng league record na 16-game winning streak bago tinapos ang laban sa 3-0 sweep sa dating kampeon Indonesia Warriors.
“Kung ako lang, gusto kong i-maintain ang plaÂyers sa team para sa next season. Pero alam kong magpapalakas ang lahat ng teams para ma-dethrone tayo. Kaya bukas pa rin sa ibang talented locals at Fil-Ams ang slot sa team,†ani pa ni Austria.
Si Banchero na nagsabing maglalaro mula sa PBA D-League na isa sa kailangan niyang gawin para makapaglaro sa PBA, ay handa ring bumalik para tulungan ang Beermen na maidepensa ang titulo.
Ganito rin ang sinabi ng mga imports na sina Williams habang si Taulava ay mas gustong pagtuunan ang isipan sa magarang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.