^

PSN Palaro

‘Big 3’ ng Spurs muling hahataw

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Inangkin ng San Antonio Spurs ang 3-2 lead mula sa kanilang 114-104 panalo sa Game 5 noong nakaraang Linggo.

Muling bumandera sina Tim Duncan, Tony Parker at Manu Ginobili bukod pa kay Danny Green para talunin ang Miami Heat.

Ang isa pang panalo ang magbibigay sa Spurs ng 5-0 record sa NBA Finals na lalapit sa 6-0 ni Michael Jordan at ng Chicago Bulls.

Hangad ng Spurs ang kanilang pang limang NBA crown.

Nakuha ng San Antonio ang kanilang unang titulo noong 1999 matapos ang isang 50-game lockout season.

Inasahan namang mananalo sila noong 2003 laban sa New Jersey, noong 2005 sa Detroit at noong 2007 kontra sa Cleveland Cavaliers ni LeBron James.

Ngayong taon ay may pagkakataon silang ma­patalsik ang winningest team sa NBA at ang four-time Most Valuable Pla­yer awardee tampok ang 37-anyos na si Duncan, ang 35-anyos na si Ginobili at sa tulong ni Green na binu­ra ang finals record ni Ray Allen para sa 3-poin­ters.

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DANNY GREEN

MANU GINOBILI

MIAMI HEAT

MICHAEL JORDAN

MOST VALUABLE PLA

NEW JERSEY

RAY ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with