MIAMI--Noong 2011 NBA Finals ay nagbalik ang Heat sa Miami na may 2-3 agwat laban sa Dallas Mavericks.
Hindi na nakabangon ang Heat at pinanood ang Mavericks na magdiwang sa kanilang sariling basketball court.
Sa nasabi ring taon unang nabuo ang ‘Big Three’ nina LeBron James, DwyaÂne Wade at Chris Bosh.
“We’re going to see if we’re a better team than we were our first year togeÂther,’’ sabi ni James.
Ngayong 2013 NBA Finals ay kailangan namang maipanalo ng Heat ang Game 6 at 7 sa Miami kontra sa San Antonio Spurs para mapanatiling suot ang NBA crown sa ikalawang suÂnod na pagkakataon.
Isang panalo naman ang kailangan ng Spurs para makuha ang kanilang pang limang NBA chamÂpionship.
“Our next challenge, biggest challenge, will be Tuesday night,’’ sabi ni James. “We have an opportunity on our home floor with our home fans to keep the series going, and we look forward to it.’’
Sinabi ni James na kailangan niyang ibigay ang lahat para maipanalo ang Miami.
“I have to come up big, for sure in Game 6,’’ sabi ni James. Sa tuwing nalalagay sa panganib ang Heat ay si James ang nagsasalba sa koponan.