Pilipinas ‘di sasali sa 2015 SEAG kung walang pagbabago sa sistema

MANILA, Philippines - Kung hindi mababago ang sistema ng mga host country sa pagdadagdag ng mga indinegous sports at pagbabawas sa mga Olympic sports ay hindi na sasali ang Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Singapore sa 2015.

Ito ang pahayag kaha­pon ni Philippine Sports Com­mission chairman Ri­chie Garcia.

Sinabi ni Garcia na ito rin ang ipinahiwatig sa kanya ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.

“I fully agree with Mr. Cojuangco on this matter. Kung wala naman baba­gu­hin sa sistema, bakit pa tayo sasali?,” wika ni Gar­cia.

Kasabay ng pagdarag­dag sa kanilang mga in­di­­genous sports ay bina­wasan ng Myanmar ang mga Olympic events sa 27th SEA Games na ka­nilang pamamahalaan sa Dis­yembre.

Ito, ayon kay Garcia, ay upang mapalakas ng Myanmar ang kanilang tsansa sa top three sa overall standings ng 2013 SEA Games.

Kabilang sa mga Olym­pic events na tinanggal ng Myanmar ay ang gym­nastics, beach volley­ball at lawn tennis.

Isinama naman ng Myan­mar sa calendar of events ang kanilang mga in­digenous sports kagaya ng vovinam, kempo at chinlone.

Higit sa 40 gold medals ang nakataya para sa naturang tatlong indigenous sports.

Nagdagdag rin ang Myanmar ng tig-pitong gintong medalya sa dragon boat at chess.

“If it’s going to be like that also in Singapore then God bless the SEA Games,” sabi ni Garcia.

Bilang host country sa SEA Games, nasa kamay ng isang bansa kung gusto nitong mag-alis o magdagdag ng mga events.

“Singapore would like to win the SEA Games title on the table, fair and square. Knowing Singapore they will not even reduce the Olympic sports,” ani Garcia.

 

Show comments