Gilas tinalo ng Bistrono Jazz Diremta

MANILA, Philippines - Tinapos ng Gilas Pi­lipi­nas ang mga tune-up games laban sa mga Li­thua­nian teams matapos ma­bigo, 79-86, sa Bistro­no Jazz Diremta noong Sabado sa Svyrutio Arena sa Klaipeda City, Lithuania.

Hindi katulad sa kinuhang 74-63 panalo sa kanilang unang pagkikita, ang Bistrono ay naglaro bitbit ang kanilang import sa hangaring makabawi sa kanilang kabiguan.

Ang dagdag puwersa ay naramdaman ng host team sa rebounding kung saan dinomina nila ang Gilas, 43-33.

May 25 points si Gary David at may tig-10 points sina Marcus Douthit at LA Tenorio para sa Nationals na hindi nagamit ang ser­bis­yo nina Marc Pringris, Gabe Norwood at Jayson Castro.

Si Pringis ay may strai­ned shoulder injury, si Nor­wood ay bumalik ng Pilipinas dahil ikakasal siya at may ankle injury si Castro.

“Weren’t ready to play today,” tweet ni assistant coach Josh Reyes.

Ito ang ikapito at huling laro ng Gilas sa Lithuania bi­lang bahagi  ng kanilang paghahanda para sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Agosto 1-11.

May 5-2 karta ang ko­po­nan.

 

Show comments