^

PSN Palaro

Asian Southeastern zone Women’s Volleyball Pinays wagi sa Myanmar

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ni Dindin Santiago upang may makatuwang si Alys­sa Valdez para bitbitin ang Team Philippines sa 20-25, 25-14, 25-10, 25-17 panalo kontra sa Myanmar sa Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball qua­lifier noong Sabado sa Quang Tri, Vietnam.

Bumawi ang 6-foot-2 na si San­tiago mula sa limang hits lamang sa 9-25, 11-25, 18-25 pagkatalo sa host Vietnam noong Biyernes sa kinamadang 16 hits, habang si Valdez ay may 15 hits upang makati­kim ng unang panalo ang koponan.

Tumulong din ang 6’4 na si Jaja Santiago mula sa kanyang 12 puntos, si Iari Yongco ay may 10 hits, habang nagsanib sa 15 hits sina Maika Ortiz, Suzanne Roces, Rhea Dimacula­ngan at Rubie de Leon.

Hindi sana umabot sa apat na sets ang labanan kung napangatawanan ng national team ang malakas na panimula sa first set nang hawakan ang 8-5 at 16-14 kalamangan.

Ngunit lumamig ang la­­rong nakita sa koponan ni coach Roger Gorayeb at naisuko ang unang set.

Hinigpitan ng koponan ang kanilang depensa, ha­bang pinangunahan nina San­tiago at Valdez ang pag-atake para buksan ang 16-7 kalamangan sa second set.

Lalo pang bumangis ang Nationals sa third set nang makuha ang unang sampung puntos para tu­luyan nang hawakan ang momentum sa labanan.

Huling makakalaro ng Nationals ang Indonesia sa pagtatapos ng torneo kahapon.

May 1-1 karta rin ang Indonesia katulad ng Pilipinas matapos dumapa sa host Vietnam, 1-3.

“The team is optimistic and excited to play Indone­sia after a big win over Myanmar. But it’s still a 50-50 chance,” wika ni team ma­nager Tony Boy Liao.

Isa sa mga tututukan ng National squad ay si Aprilia Mangarang na kung kumilos ay tila isang lalaki.

Gumawa ito ng 24 pun­tos laban sa Viet­nam.

APRILIA MANGARANG

ASIAN SOUTHEASTERN ZONE WOMEN

DINDIN SANTIAGO

IARI YONGCO

JAJA SANTIAGO

MAIKA ORTIZ

MYANMAR

SHY

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with