SEAG Charter dapat baguhin
MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga Filipino sports officials na baguhin ang Southeast Asian Games charter.
Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na daÂpat ay may permanenteng lisÂtahan ng mga sports events na lalaruin sa SEA Games.
Matatandaang inalis ng mga organizers ng MyanÂmar ang mga Olympic sports sa darating na 2013 SEA Games kagaya ng gymnastics, tennis at beach volleyball kasabay ng paglilista sa mga traditional at indigenous sports na hindi nilalaro ng ibang miÂyembro ng SEA Games.
“You cannot just remove Olympic sports,†sabi ni Garcia sa ginawa ng Myanmar.
Ibinilang ng Myanmar ang mga combat sports na vovinam at kempo at chinÂlone (cane ball) na may naÂkahanay na higit sa 40 gold medals.
Inaasahang dodominaÂhin ng mga Myanmar athletes ang nasabing mga events.
Sa 36 gold medals na naÂkuha ng Pilipinas noong 2011 sa Indonesia, ang 16 ay hindi lalaruin sa Myanmar.
Bilang protesta, hindi daÂdaluhan ng government sports agency ang Myanmar SEA Games.
Ito rin ang pahayag ni PhilÂippine Olympic ComÂmitÂtee president Jose ‘PeÂping’ Cojuangco.
Isang ‘token delagation’ lamang ang ipapadala ng POC sa Myanmar SEA Games dahil sa nangyaÂring dagdag-bawas sa mga events.
Noong 2011 SEA Games ay naglahok ang banÂsa ng 512 atleta na nag-uwi ng kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze meÂdals.
- Latest