^

PSN Palaro

Dapudong bagong Filipino world boxing champion

R. Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa kabiguan nina Manny Pacquiao, Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, mu­ling itinayo ni Edrin ‘The Sting’ Dapu­dong ang karangalan ng Pilipinas.

Ito ay matapos agawin ni Dapudong ang suot na International Boxing Organi­zation super flyweight title ni Gideon Bu­­thelezi ng South Africa via first round knockout sa kanilang rematch kahapon sa Emperor’s Palace Resort and Casino sa Johannesburg, South Africa.

Pinabagsak ni Dapudong (29-5-0, 17 KOs) si Buthelezi (13-4-0, 4 KOs) sa 2:29 ng first round para hirangin bilang bagong IBO super flyweight champion.

Ang 27-anyos na tubong Barangay Pag-asa, M’lang, North Cotabato na si Da­pudong ang naging unang world boxing champion mu­la sa naturang probinsya.

Kaagad na isinentro ni Dapudong ang kanyang ata­ke sa bodega ng Olympian na si Buthelezi.

Nang makalusot ang kanyang suntok sa sikmura ni Buthelezi ay ibinaba ng South African ang kanyang mga kamay.

Ito ang siyang sinamantala ni Dapudong para iko­nekta ang isang left hook sa panga ni Buthelezi kasunod ang pagbagsak nito na una ang mukha sa sahig.

Itinigil ni referee Robert Byrd ang nasabing laban.

Nauna nang natalo si Dapudong kay Buthelezi mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Nobyembre 10, 2012 sa nasabi ring venue.

Bago makamit ang kanyang unang world boxing belt ay apat na beses munang nabigo si Dapudong sa kan­yang mga world title shot.

Ibinangon ni Dapudong sina Pacquiao, Donaire at Viloria na na­katikim ng kanilang mga kabi­gu­­an.

Dalawang beses natalo si Pacquiao no­ong 2012 at tig-isa naman sina Do­naire at Vi­loria nga­yong taon.

BARANGAY PAG

BUTHELEZI

DAPUDONG

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GIDEON BU

HAWAIIAN PUNCH

SHY

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with