SAN ANTONIO – Sa kanilang mga laÂro sa playoffs, papalit-palit ng panalo at talo ang Miami Heat.
Sinabi ni LeBron James na “enough is enough†at ito na ang oras para kunin ng Heat ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa NBA Finals laban sa San AnÂtonio Spurs.
Ngunit para mangyari ito, kailangan ng Heat na muling makahugot ng malaking proÂduksyon mula kina James, Dwyane Wade at Chris Bosh.
Natumpok ang ‘Big Three’ ng pinagsamang 85 points sa 109-93 paggiba ng Miami sa San Antonio sa Game 4 para itabÂla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven chamÂpionship series.
Pag-aagawan ng Heat at Spurs ang maÂlaking 3-2 bentahe sa kanilang banggaan sa Game Five ngayon.
“We would love to do what we did last game every game,†sabi ni James. “But every game is different. Every game preÂsents challenges. We haven’t been able to string games like that for the Big Three this postseason.â€
“But we’re still here. We’re still in a poÂsition to win an NBA championship. And that’s what’s most important,†dagdag pa ng four-time MVP awardee.
Umiskor si James ng 33 points sa Game 4 matapos magtala ng average na 16.7 sa kanilang unang tatlong laro sa serye.
Ang dalawang sunod na panalo ang magÂpapanatili sa korona ng Miami.
“If we don’t do two, we won’t win a chamÂpionship. I wasn’t that smart in school, but I do know that,†sabi ni Wade.
Huling natalo ng dalawang sunod na beses ang Spurs sa San Antonio ay noÂong Marso 28 at 31, 2011.