MANILA, Philippines - Tulad ng dapat na asahan, yumuko ang Team Philippines sa mas beteraÂnang Vietnam, 9-25, 11-25, 18-25, sa pagbubukas ng Asian Southeastern Zone Women’s Volleyball qualifier sa Quang Tri, Vietnam noong Biyernes ng gabi.
Si Alyssa Valdez ay mayÂroong siyam na hits pero ang mga malalaking manlalaro na sina Jaja at Dindin Santiago ay nagÂsanib lamang sa 11 punÂtos para sa koponang nagÂhanda sa torneo ng isang linggo lamang.
Ito ang unang pagkakaÂtaon na nakasali ang Pilipinas sa women’s volleyball mula 2005 at tunay na naÂngapa ang koponang haÂwak ni coach Roger Gorayeb.
Tatangkain ng NatioÂnals na makapagtala ng unang panalo sa pagharap sa Myanmar sa ikalawang laro.
Natalo rin ang Myanmar sa unang asignatura laban sa Indonesia sa straight sets (0-3).
“We have a very good chance against Myanmar owing to our height advantage and skills,†wika ni team manager Tony Boy Liao.
“They trained early Saturday and the team’s outlook is very good desÂpite the loss to Vietnam,†dagdag nito.
Ipinadala ang koponan ng Philippine Olympic Committee at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Smart Communications at Accel.
Huling laro ng NatioÂnals sa Linggo laban sa Indonesia.
Ang mangungunang koponan sa apat na bansang torneo ay aabante sa Asian Zonals sa susunod na taon.