SAN ANTONIO--NagÂhintay sina LeBron James at Dwyane Wade sa dulo ng court matapos ang panalo ng Miami Heat sa Game 4 ng NBA Finals.
Gusto nilang batiin si Chris Bosh.
Sa kanilang 109-93 paggiba sa San Antonio Spurs sa Game 4 noong HuÂwebes, umiskor si JaÂmes ng 33 points kasunod ang 32 ni Wade, habang humakot si Bosh ng 20 points at 13 rebounds.
“He got into the battle. He got into the fight,†sabi ni Wade kay Bosh. “He played big for us. Thirteen rebounds, that’s what we need from him and obÂviously 20 points. He plaÂyed the way that we love to see Chris Bosh play.â€
Kung magpapatuloy ang magandang paglaÂlaro ni Bosh, magkakaroon muli ng parada sa Biscayne Boulevard sa susunod na mga araw.
Tinuligsa sa playoffs dahil sa kanyang mga long jumper at 3-point shot sa kabiguan ng Heat sa Game 1 ng NBA Finals, binago ni Bosh ang kanyang laro.
Sa sumunod na tatlong laro sa finals, isang 3-pointer lamang ang kanyang itinira na kanyang ginawa sa fourth quarter sa Game 3 kung saan ibinaon ng Spurs ang Heat mula sa isang 26-point lead.
Nagtala siya ng tatlong sunod na double-doubles na kanyang nagawa ng dalawang beses sa season.
Mula Game 1 hanggang Game 3 ay nagposte si Bosh ng kabuuang 44 points at 33 rebounds na mas mataas ng 3 points at 3 rebounds kay Tim Duncan ng Spurs.
“I don’t know really what the difference has been with Chris,†sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “All we know is we need it. And last night he played all his minutes at the center, where we needed it even more. It will be a collective effort. But there won’t be anybody else we can turn to.’’
Ang Heat ay may sariÂling offensive style na tinatawag nilang positionless approach.
Ang starting lineup sa Game 4 ay sina James, Wade, Mario Chalmers at Mike Miller kasama si Bosh na nangangahulugan ng pagkakaroon nila ng apat na perimeter plaÂyers at isang big man laban sa Spurs lineup.