MANILA, Philippines - Kinikilala ngayon ang pitong taon gulang na si Alekhine Nouri bilang pinaÂkabatang Filipino FIDE Master nang manalo sa Open 8-under category sa 14th ASEAN Age Group Chess Championships Standard Competition sa Chiang Mai, Thailand noong Huwebes.
Tinalo ni Nouri na tubong Taguig City si Nguyen Hoang Hiep ng Vietnam sa eight round bago isinunod si Luvsandorj Orgilbold ng Mongolia sa pang-siyam at huling round tungo sa walong puntos.
Bukod sa titulo, nakuha rin ni Nouri na isang grade one mag-aaral sa FEU-FERN College sa Quezon City, ang FIDE Master title.
Ang iba pang kuminang sa kompetisyon ay sina Allaney Jai Doroy ng Agusan del Norte, Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan at Shania Mae Mendoza ng Sta. Rosa, Laguna na nakuha rin ang Woman Fide Master (WFM) titles.
“Filipinos have once again shown their excellence in the field of chess,†wika ni NCFP chairman/president Butch Pichay.