Ginebra import kumpiyansa kay Aguilar
MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Dior LowÂhorn na magiging maÂganda ang kanilang tambalan ni Japeth Aguilar para sa kampanya ng Barangay Ginebra sa darating na 2013 PBA Governors Cup na magbubukas sa Agosto 14.
Sinabi ni Lowhorn sa kanyang Facebook account na nakalaro na niya ang 6-foot-8 na si Aguilar sa tryout ng Santa Cruz Warriors, isang koponan sa NBA D-League, noong nakaraang taon.
“My boy Japeth is finally with Ginebra! Got a chance to workout and chat with him at the Santa Cruz Warriors tryout last year,†wika ng 6’5 na si Lowhorn kay Aguilar na nahugot ng Gin Kings mula sa isang trade sa Globalport Batang Pier kapalit ni 6’8 rookie Yousif Taha.
Kaagad na hinangaan ni Lowhorn, naglaro sa koponan ng Saigon Heat sa Asean Basketball League, si Aguilar.
Bago siya magkaroon ng isang knee injury, pinamunuan ng 26-anyos na si Lowhorn ang ABL statistical sheets mula sa kanyang mga averages na 26.67 points at 8.42 rebounds.
Samantala, ipaparada ng 2013 PBA Commissioner’s Cup champion na Alaska si Wendell McKi-nes, ang sinasabing maÂlaking bersyon ni rookie forward Calvin Abueva.
Ibabalik naman ng Air21 si Zach Graham kagaya ng pagpaparada ng San Mig Coffee kay Marqus Blakely, habang muling kinuha ng nagdedepensang Rain or Shine si 2011 Governors’ Cup Best Import Arizona Reid.
Muling paglalaruin ng Talk ‘N Text si Tony Mitchell na naglaro sa semifinals series ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
- Latest