SAN ANTONIO--Ang patuloy na paghahari ng Miami Heat ay nakasalalay pa rin sa mga balikat ni LeBron James, at alam ni Dwyane Wade na kailaÂngan din niyang maglaro ng maganda para talunin ang San Antonio Spurs.
Isinuot ni James sa liÂkod ang kanyang shooting shirt kagaya ng isang super hero sa kanilang team practice noong Miyerkules at nangakong igigiya ang Heat sa panalo sa Game 4.
At ganap naman siyang sinuportahan ni Wade.
Nagtala si Wade ng 32 points, 6 rebounds, 4 assists at 6 steals para tulungan ang Heat sa 109-93 panalo laban sa Spurs sa Game 4 para itabla sa 2-2 ang kanilang NBA Finals sa AT&T Center.
Humugot si Wade ng 18 points sa second half para banderahan ang Miami.
“He was ‘06 Flash tonight,†sabi ni James kay Wade. “And we needed every bit of him.â€
Ang 32 points ni Wade ang dumuplika sa kanyang ginawa noong Marso 4.
Hindi pa siya nakakaiskor ng higit sa 22 points sapul noong Marso 17. Siya pa lamang ang unang player na tumipa ng 30 points at 6 steals sa isang finals game matapos iposte ito ni Detroit Pistons Hall of Fame guard Isiah Thomas noong 1988.
“I needed a game like this,†wika ni Wade. “But my teammates needed a game like this from me. Needed me to be aggressive. Needed me to play the way that I’m capable of.â€
Naglista naman si JaÂmes ng 33 points at 10 rebounds, at nagposte si Chris Bosh ng 20 points at 13 rebounds.
“When those guys play like that, you better be plaÂying a more perfect game,†sabi ni Spurs coach Gregg Popovich.
Pinamunuan ni Tim DunÂÂcan ang San Antonio mula sa kanyang 20 points, habang may 15 points at 9 assists si Tony Parker, nagkaroon ng isang right hamstring strain sa third quarter ng Game 3.
May 10 points naman si Danny Green at 13 si Gary Neal matapos gumawa ng 27 at 24 points, ayon sa pagkakasunod, sa Game 3 para sa Spurs.