Derrick Rose babalik sa Manila

MANILA, Philippines - Babalik si Derrick Rose sa bansa sa Sept. 14 hangang 16  bilang bahagi ng adidas Basketball’s D Rose Tour kung saan ang 2011 NBA MVP ay may iba’t ibang aktibidad kabilang ang pakikipaglaro sa mga local high school players, clinics, meet and greet opportunities at ilang social media campaigns.

Ito ang ikalawang pagbisita ni Rose sa bansa matapos makasama ang iba pang NBA stars na sina Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul at James Harden sa isang exhibition games kontra sa original na Smart Gilas Pilipinas at PBA selection team sa Big Dome dalawang taon na ang nakakaraan.

Bago pa dumating si Rose, magsasagawa ang adidas Basketball ng three-on-three tournament kung saan ang best high school players mula dito sa bansa at mula Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand ay may tsansang makalaro si Rose sa September.

Samantala, ibebenta ang bagong D Rose 773 sa Southeast Asia sa Agosto na ipo-promote ni Rose.

Ang pagbisita ni Rose sa Pinas ay parte ng adidas’ summer tours  sa dalawang kontinente na kinabibilangan ng 14 bansa at 25 lungsod sa loob ng 50-araw kung saan bahagi rin ang iba pang NBA stars na sina Dwight Howard, Ricky Rubio, John Wall, Jrue Holiday, Damian Lillard at Mike Conley, Jr.

 

Show comments