Arum makikipag-usap na kay Donaire para sa susunod na laban

MANILA, Philippines - Sisimulan na nga-yong linggo ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pakikipag-usap kay da­ting unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Kabilang sa mga sinasabing maaaring labanan ng 30-anyos na si Donaire sa kanyang pagbabalik sa boxing ring matapos matalo kay Cuban unified super bantamweight titlist Guillermo Rigondeuax ay si Vic Darchinyan.

Ngunit wala pang katiyakan kung mapaplantsa ang naturang rematch nina Donaire at Darchinyan.

“I think that in the next week or so, we’ll be having more serious talks with his management and with HBO,” sabi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com.

“We’ll figure out when he’s coming back and who he’s gonna be against,” dagdag pa ng 81-anyos na si Arum sa tubong Talibon, Bohol na si Donaire, natalo sa 32-anyos na si Rigondeaux via unanimous decision noong Abril 13.

Bago mabigo kay Ri­gondeaux, isang two-time Olympic Games gold me­dalist ng Cuba, ay apat na sunod na panalo ang itinala ni Donaire nong 2012.

Ang mga tinalo ni Do­naire noong nakaraang taon ay sina Wilfredo Vas­quez, Jr. Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.

Ang pagkatalo kay Ri­gondeaux ang kauna-una­han ni Donaire matapos ang 12 taon.

Gusto ring labanan ni world two-division king Juan Manuel Lopez ng Puerto Rico si Donaire kung may pagkakataong mangyari ito.

Sinabi ni Lopez na kung mananalo siya kay World Boxing Organization fea­therweight titlist Mikey Garcia sa Hunyo 15 sa Dallas, Texas ay may posibilidad na labanan niya si Donaire sa featherweight division.

Natalo si Donaire (31-2-0, 20 KOs) kay Rigondeaux (12-0, 8 KOs), samantalang dalawang panalo naman ang kinuha ni Lopez (32-2-0, 29 KOs) ngayong taon.

Show comments