James nadepensahan ng Spurs

SAN ANTONIO--Tiningnan ni LeBron James ang mga camera at reporters na nasa loob ng kanilang locker room at naghayag ng isang simpleng deklarasyon.

“I’ve got to be better,” sabi ni James.

Ang pag-asa ng Miami Heat na mapanatili ang kanilang NBA crown ay nakasalalay kung ano ang ilalaro ni James sa kanilang championship series ng San Antonio Spurs.

Muli siyang nadepensahan ng Spurs para kunin ang 113-77 panalo sa Game 3.

Umiskor si James ng 15 points, ang siyam dito ay kanyang ginawa sa dulo ng third quarter kung saan nakalayo na ang San Antonio.

May 4 points siya sa first half na unang nangyari matapos noong 2003.

At sa ika-10 beses sa kanyang career na nagtampok sa kan­yang 899 laro ay na­bigo siyang tumapak sa free throw line.

Huling nang­yari ito noong 2009.

Show comments