Gilas nadiskaril sa LSU-Baltai

MANILA, Philippines - Humina ang perimeter defense ng Gilas National team para matapos ang da­lawang dikit na panalo sa tinamong 86-89 pagkatalo sa kamay ng LSU-Baltai sa pagpapatuloy kahapon ng mga tune-up games sa Lithuania.

Nagbigay ng 15 tres ang Gilas sa katunggali at si Vidmantas Sragauskis ay mayroong limang tres habang apat ang ginawa ni Aranas Sakalauskas.

Si Sragauskis na starter ng LSU-Baltai, ay tumapos taglay ang 23 puntos habang sina Sarunas Vingelis, Zygimantas Skucas, at Sakalauskas ay naghatid ng 16,15, at 13 puntos.

Sa second half lumabas ang lakas sa opensa ng Lithuanian team nang na-outscored ang Gilas, 48-37, para matabunan ang 41-49 halftime iskor pabor sa Phi­lippine team.

“Good game. Tough loss. Lots learned. Still got a lot of work to do,” wika sa official tweeter ni coach Chot Reyes.

Isang linggo na ang natapos sa dalawang linggong pag­sasanay ng koponan at mahalaga ngayon para kay Reyes ang makita kung ano ang magiging epekto ng mahabang panahon na nawala ang mga manlalaro sa kani-kanilang pamilya.

“Just like that week 1 is done. 9 practices, 3 games. Not d tediousness, homesickness & fatigue are ki­c­king  in. How do we react?” ani pa ni Reyes.

Si LA Tenorio ay may  21 puntos habang sina Marcus Douthit, Jason Castro at Gabe Norwood ay naghatid ng 15, 10 at 10 puntos.

“Got our first loss today to this great shooting team. We will face similar teams in fiba-Asia. Got to take the lessons to heart. Focus also wasn’t all there,” pahayag naman ni assistant coach at anak ni Chot na si Josh Reyes sa kanyang tweeter.

Bago ang larong ito ay nanalo ang Gilas sa Klaipedos Neptunas (81-76) at Birstono Jazz-Diremta (74-63).

Sunod na kalaban ng ko­ponang naghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship ang Lithuania U-20 National team.

Show comments