MANILA, Philippines - Isang national team na binubuo ng mga kamaÂdor ng top four teams sa nakaraang Shakey’s V-League ang sasabak sa South East Asian Qualification tournament sa HunÂyo 14-16 sa Quang Tri, Vietnam.
Inutusan ng Philippine Olympic Committee ang Sports Vision Management Group, Inc., ang organizer ng V-League, na bumuo ng isang malakas na koponan.
Ito ay matapos tumanggi ang Philippine Volleyball Federation, ang National Sports Association (NSA) para sa volleyball, na magpadala ng tropa para sa event na nagsisilbing qualifying para sa Asian Zonals.
Ang Asian Zonals ay ang elims para sa 2014 World Volleyball ChamÂpionships.
Tumiwalag ang PVF, tumatanggap ng $7,000 subsidy mula sa organizing Asian Volleyball Federation bukod pa sa full board and lodging at land transportation, sa nasabing torneo.
At ang AVC ay inutusan ng POC na bumuo ng National team para makaiwas sa sanctions.
Sinabi ng PVF, walang national pool, na gahol na sila sa panahon para bumuo ng koponan kasama na ang kawalan ng pondo.
Ang Philippine Sports Commission ang siyang gagastos sa airfare ng kopoÂnan, hiningi ng Sports Vision ang suporta ng Smart Communications para sa sponsorship at ang Accel bilang official outfitter.
Ang limang players mula sa champion team na National University na sina conference MVP Dindin Santiago, Finals MVP Rubie de Leon, Myla Pablo, Jennylyn Reyes at 6-4 Jaja Santiago ang babandera sa koponan.
Kasama rin sina Alyssa Valdez ng Ateneo, Maika Ortiz at Rhea DimaculaÂngan ng UST, Iari Yongco, Pau Soriano ng Adamson, Iari Yong ng La Salle-Dasmariñas at Suzanne Roces.
Si Roger Gorayeb ang head coach katuwang sina Edjet Mabbayad at Ariel dela Cruz ng NU bilang assistants.