5-buwan taekwondo league inilunsad

MANILA, Philippines - Ang mga bagong ‘he­roes’ sa taekwondo ang inaasahang lilitaw sa pag­daraos ng five-month com­petition na tinawag na Philippine Taekwondo League (PTL) sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang first leg ay inilunsad noong Hunyo 2, ngunit ang lahat ng labanan ay isasagawa sa 10 rehiyon sa buong bansa, kasama na ang National Capital Region.

Nakumpleto na ang eli­mination round sa senior division kung saan ang top nine men at women’s teams ay maglalaro sa round-robin stage.

Ilan sa mga pinakamahuhusay na jins mula sa mga koponan ng NCAA (National Collegiate Athletic Association) at UAAP (University Athletic Association of the Philippines) ay nagpatala na para sa event na nakatakda sa mga SM malls.   Ang unang labanan ay gagawin sa SM Fairview sa Hulyo 6.

Ang mga koponang maglalaban sa senior men at women teams sa round-robin stage ay ang De La Salle University, San Beda, University of the East, Rizal Technological University, Ateneo de Manila University, Far  Eastern University, San Sebastian College-Recoletos, University of the Philippines, Lyceum University at University of Santo Tomas.

Magkakaroon din ng kompetisyon sa junior at cadet divisions.

 

Show comments