^

PSN Palaro

Nadal vs Ferrer sa French Open finals

Pilipino Star Ngayon

PARIS--Lumapit  sa isang panalo para sa panibagong kasaysayan si Rafael Nadal nang talunin nito ang No. 1 ranked  na si Novak Djokovic sa limang mahigpitang sets, 6-4, 3-6, 6-1, 6-7(3), 9-7, sa semifinals ng French Open.

Ito ang ikalimang panalo ni Nadal kay Djokovic at naiangat ang record sa Roland Garros sa 58-1.

Higit dito, ang tagumpay ay nagtulak kay Nadal para mamuro sa makasaysayang ikawalong French Open title.

Kinailangang isantabi ng tubong Spain na si  Nadal ang pagkatalo sa  fourth set na una niyang dinomina bago bumangon mula sa 3-4 iskor sa ikalimang set para pumasok uli sa Finals.

Kalaban niya ang ka­babayang si David Ferrer na pinagpahinga si Jo-Wilfried Tsonga ng France, 6-1, 7-6 (3), 6-2, sa isang pares sa semis.

Ang pagkatalo ni Tsonga ang tumapos sa pagha­hanap ng host na makakita uli ng men’s champion ga­ling sa kanilang bansa. Ang huling French player na nanalo sa torneo ay si Yannick Noah noon pang 1983.

“I want to enjoy this moment,” wika ni Ferrer.

DAVID FERRER

DJOKOVIC

FRENCH OPEN

JO-WILFRIED TSONGA

NADAL

NOVAK DJOKOVIC

RAFAEL NADAL

ROLAND GARROS

YANNICK NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with