MANILA, Philippines - Si Marco Januz “Juno†Sauler na ang didiskarte sa La Salle Green Archers sa 76th UAAP men’s basketball.
Papalitan ni Sauler ang dating head coach na si Gee Abanilla na ipinasok sa koponan noon lamang nakaraang taon at naibalik ang Archers sa Final Four matapos mawala noong Season 74.
May 9-5 karta si Abanilla sa regular season at tinalo ang FEU sa playoff para sa ikaapat na puwesto sa Final Four. Natalo naman ang Archers sa karibal at may twice-to-beat na Ateneo, 66-63, sa semifinals.
Hinawakan pa ni Abanilla ang Archers sa Filoil ngunit hanggang quarterfinals lamang ang inabot ng koponan nang matalo sa NCAA champion San Beda, 66-63.
Wala namang konekÂsyon sa desisyon na magpalit ng coach ang pagkatalong ito ayon kay UAAP board representative ng La Salle Henry Atayde.
“Petron is recalling him due to reogranization that is happening,†wika ni Atayde.
Sa isinulat ng The La Sallian, mismong si DLSU PreÂsident Br. Ricky Laguda ang naghayag sa mga opisÂyales ng desisyon na taÂpikin si Sauler bilang kapalit ni Abanilla.
Bagamat ngayon lamang mauupo bilang head coach ng paaralan, si Sauler ay matagal nang naninilÂbihan sa La Salle bilang isang manlalaro mula 1992 hanggang 1994 at naÂging champion coach ng woÂmen’s team mula 1999-hanggang 2001.
Naupo rin siya bilang deputy ni dating Archers mentor Franz Pumaren at first assistant ni Abanilla. Naninilbihan din si Sauler bilang isang assistant coach ni Alfrancis Chua sa Barangay Ginebra na pumangalawa sa PBA Commissioner’s Cup.
Maghahabol si Sauler at ang Archers dahil sa Hunyo 29 na magbubukas ang UAAP at ang unang laro ay laban sa UST Tigers.
Si Sauler ang ikatlong bagong head coach sa bagong season kasunod nina Bo Perasol na kinuha ng Ateneo bilang pamalit kay 5-peat coach Norman Black, at Nash Racela na uupo sa FEU kahalili ni Bert Flores.