Kulang na nga sa preparasyon at hindi pa nakaÂkaÂbawi sa pagod ay naungusan pa ng Blackwater Sports ang NLEX, 70-67 sa Game One ng best-of-three championship series ng 2013 PBA D-League Foundation Cup noong Huwebes sa Ynares Arena sa Pasig City.
Ipinakita lang ng Elite na hindi nga talaga ‘invincible’ ang Road Warriors. Puwedeng talunin.
Makasaysayan ang panalong ito ng Blackwater Sports.
Kasi nga’y hindi pa natatalo sa championship round ang NLEX.
Mula nang isilang ang D-League ay apat na beses nang nagkakampeon ang Road Warriors. At pawang 2-0 sweeps ang kanilang naitatala sa Finals kontra sa mga nakalabang Cebuana Lhuillier, Freego Jeans, Big Chill at Cagayan Valley.
Kumbaga’y hindi lang nakukuha ng NLEX ang kamÂpeonato, dinodomina talaga ng Road Warriors ang kalaban nila.
Kaya naman mayroong mga nag-isip na baka ito din ang gawin ng NLEX sa Blackwater Sports.
Kasi nga’y mas naunang nakarating sa Finals ang Road Warriors matapos na walisin nila ang Big Chill, 2-0 sa semis.
Sa kabilang dako’y dumaan pa sa Game Three noong Martes ang Blackwater Sports na nanaig kontra Boracay Rum upang makarating sa Finals.
So bale noong Miyerkules lang napaghandaan ni coach Leandro Isaac ang NLEX. At sinabi niyang hindi na kumplikado ang naging preparasyon niya. Simpleng depensa na lang ang kanyang inihanda. Kumbaga’y mas inihanda niya ang utak at puso ng kanyang mga manlalaro.
“Kailangan lang naman na maniwala sila sa kanilang sarili,†ani Isaac. “Hindi naman bakal ang kinakain ng mga NLEX players. Bigas din na isinasaing ang kinakain nila. So, pareho lang kaming lahat.â€
At naunawaan naman ito ng kanyang mga manlaÂlaro. Pero kinailangan muna nilang mangapa sa first half ng Game One na dinomina ng NLEX. Nakalamang ang Road Warriors, 38-29 sa halftime. Actually, 14 puntos ang pinakamalaking abanteng na-enjoy ng Road Warriors sa first half.
At sa halftime ay kinailangang ipaalala ni Isaac sa Elite na ,“tao lang ang Road Warriors.â€
Rumesponde ng maganda ang Elite at sa third quarter ay hinabol nila ang Road Warriors. Nakalamang sila, 56-52 papasok sa fourth period. Nahatak pa nila sa limang puntos ang abante nila, 67-61.
Pero biglang tumikada ng dalawang three-point shots si Ronald Pascual upang makaabante ang NLEX, 67-66.
Iyon ang test of character para sa Elite. Hindi sila bumigay. Sa halip ay blinangko nila ang kalaban at gumawa ng isang undergoal stab si Kevin Ferrer at daÂlawang free throws si Allan Mangahas upang makumpeto ang panalo.
So, nabago na ang history ng PBA D-League. Ngayo’y nakalasap na ng kabiguan sa Finals ang NLEX.
Magtutuluy-tuloy kaya ang Blackwater Sports at sila naman ang wawalis sa Road Warriors.
O magsisilbi itong tunay na ‘test of character’ para sa Road Warriors at makakabangon sila sa pagkakadapa.
Finally, exciting na ang D-League.