Pinatalsik ang Waves Elite inupuan ang huling silya sa finals
Laro Bukas
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
3 p.m. Blackwater Sports vs NLEX Road Warriors
MANILA, Philippines - Malakas na pagtatapos ang ginawa ng Blackwater Sports para kunin ang 82-74 panalo sa Boracay Rum sa pagtatapos ng PBA D-League Foundation Cup semifinals kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Sina Allan Mangahas, Pari Llagas at Kevin Ferrer ang nagtulung-tulong matapos ang huling tabla sa 70-all para manalo sa Waves sa do-or-die Game Three at angkinin ang kaÂrapatan na labanan ang NLEX sa Finals.
Ang Game One ay magÂsisimula bukas sa YnaÂres Sports Arena sa Pasig City sa alas-3 ng hapon.
“Lagi kong sinasabi sa mga players ko na kailaÂngan namin ng disciplina para manalo. At ito ang kanilang ipinakita,†wika ni Elite coach Leo Isaac.
Matapos ang 1-of-11 shooting sa Game Two na naisuko ng Elite, bumawi si Mangahas sa ibinagsak na 22 puntos mula sa 7-of-11 shooting.
Si Robby Celis ay may 14 habang tig-11 ang ginawa nina Ferrer at Llagas.
Matapos itabla ni Jeff Viernes ang laro sa 70-all sa kanyang ikatlong tres sa laro, sina Mangahas, Llagas at Ferrer ay kumawala sa 5-0 bomba para lumayo sa katunggali.
Dalawa pang free throws ni Mangahas ang nagtiyak ng panalo nang hawakan ang 80-74 kalamangan sa huling 29.6 segundo ng labanan.
Si Justin Chua ang nagdomina sa ilalim para sa Elite sa 10 puntos at 12 boards.
Tig-16 puntos sina VierÂnes at Kenneth Acibar para sa Waves na nagwakas ang makasaysayang kampanya sa liga.
Bigo man na umabante sa Finals, ang pagtapak sa semis ang pinakamalayong narating ng tropa ni coach Lawrence Chongson sa pagsali sa liga.
Dehado ang Elite sa Road Warriors pero may tiwala si Isaac sa kanyang mga alipores sa kakayaÂhang gulatin ang NLEX.
“To make a mark in this league, you have to challenge NLEX. This is the time to do it,†ani pa ni Isaac.
- Latest