MANILA, Philippines - Pababanguhin pa ni WBO minimumweight chamÂpion Merlito Sabillo ang kanyang pangalan sa pag-asinta ng magandang panalo sa gagawing unang title defense sa Solaire Hotel and Leisure Park sa Pasay City sa Hulyo 13.
Kalaban ni Sabillo si Jorle Estrada ng Colombia na pang-anim sa kanyang dibisyon at ang laban ang tampok na sultada sa 21st Pinoy Pride na inorganisa ng ALA Promotions katuwang ang ABS-CBN.
Si Estrada ang ikalawang Colombian fighter na makakaharap ng 24-anyos na si Sabillo na hindi pa natatalo matapos ang 21 laban, at may 11 KOs.
Noong Marso ay dumayo si Sabillo sa Cerete, Colombia at iniskoran ng 8th round TKO panalo si Luis dela Rosa para kunin ang WBO title.
“Magandang laban ito pero ang style niya ay pa-takbo-takbo. Mahirap sa una ang ganitong style, pero kapag napag-aralan mo na, easy na ito,†wika ni Sabillo nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Kasama niya sa forum si ALA Promotions Vice President Dennis Canete at Arthur Villanueva na sasalang laban kay Arturo Badillo ng Mexico para sa bakanteng WBO Asia-Pacific super flyweight division.
“Marami siyang sumuntok pero hindi magaling dumepensa. Pag tinamaan madaling babagsak,†paha-yag ng may kumpiyansang si Villanueva.
Sesentro rin si AJ Banal na magbabalik ng ring para sukatin si Mexican Ramos Masas.
Nais ni Banal na iba-ngon ang sarili mula sa ‘di inaasahang ninth round TKO pagkatalo kay Pung-luang Sor Singyu ng Thailand noong Oktubre.
Nasasabik naman si CaÂnete sa promotion na ito dahil ito ang unang boxing card na gagawin sa Solaire na ang ballroom ay kayang magpasok ng hanggang 1,400 na tao.