MANILA, Philippines - Hindi sinolo ni National University coach Edjet Mabbayad ang kredito sa pagkapanalo ng unang titulo ng Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League.
Kinilala ni Mabbayad ang tulong ni Rubie De Leon bukod pa sa assistant na si Ariel dela Cruz na mga tunay na bida nang talunin ng NU ang two-time champion Ateneo, 2-1, sa best-of-five title series na nagtapos noong Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.
“Hindi lamang matalino si Rubie kundi siya rin ang extention ko sa loob ng court. Kaya wala akong problema sa mga gusto kong ipagawa dahil sa kanya,†wika ni Mabbayad.
Dalawang buwan pa lamang si Mabbayad sa Lady Bulldogs na dati ay hawak ni Francis Vicente.
Kaya’t pati si dela Cruz ay malaki ang naitulong lalo na sa pagdiskarte ng kopoÂnan ang pag-uusapan.
Ito ang unang malaking panalo ng NU sa women’s volleyball at nangyari ito dahil din sa pagsisikap ng lahat sa kanilang pagsasanay.
Bagamat malakas ang Lady Bulldogs, nadehado sila sa Lady Eagles nang nakatabla ito. Pero lutang ang masidhing hangarin na magkampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sina Dindin Santiago, Jaja Santiago, Myla Pablo, Aiko Urdas at Jennylyn ReÂyes ang mga nakatuwang si De Leon upang mapagkampeon ang koponan.
“Ang gusto ko lamang ay makatulong sa kahit anong pamamaraan. Kung kailangan sa setting, blocking o kahit maging ate nila,†wika ni De Leon na ginaÂwaran din ng Finals MVP matapos maghatid ng 13 puntos na kinatampukan ng apat na blocks at tatlong service aces.
Sunod na pupuntiryahin ng NU ay ang manalo sa UAAP at tiwala si MabbaÂyad na makakaya nila itong gawin lalo na kung hindi magbabago ang mental focus at determinasyon ng kanyang mga bataan.