Sino ang magiging MVP sa PBA D-league?
Sa isang star-studded team na tulad ng NLEX ay napakahirap talagang maging standout. Halos pare-paÂreho kasi ang talent level ng bawat manlalaro. Kung tutuusin nga’y parang tatlong first five ang hawak ni coach Teodorico Fernandez III at kahit na nakapikit siya’t magtuturo kung sino ang papasok, ganoon pa rin ang magiging efficiency ng lima sa loob ng hardcourt.
Kung minsan ay mahaba ang playing time ng isang manlalaro at kung minsan ay kaunti lang. Binibigyan kasi ni Fernandez ng panahon ang bawat isa sa kanyang mga manlalaro na makapagpakitang-gilas. Hindi niya ibinababad nang husto ang mga iyon.
Kaya kailangan kapag ipinasok ka, gawin mo na kaÂÂagad ang dapat mong gawin. Pumuntos ka na kung open ka, kumuha ka ng rebounds, magpasa ka ng maayos.
Kasi, anytime ay puwede ka namang palitan ng isang manlalarong kasing galing mo at hindi maaapekÂtuhan ang opensa o depensa ng NLEX.
Bakit natin ipinaliliwanag ang mga bagay na ito?
Kasi kung parehas lang ang exposure ng lahat at walang isang player na dumodomina para sa NLEX, aba’y mahirap na mag-ipon nang statistical points para sa labanan sa Best Player of the Conference o Most Valuable Player award.
May manlalaro buhat sa ibang teams na kahit hindi umabot sa semis o finals ang kanyang koponan ay nakapag-ipon ng napakaraming statistical points dahil sa siya ang go-to guy.
Kabilang sa mga ito sina Dan Carlo Lastimosa ng Fruitas Shakers at Terrence Romeo ng Big Chill.
Ang Fruitas at Big Chill ay nagkita sa quarterfinal round at ang focal point ng labanan ay sina Lastimosa at Romeo. Kung sino sa kanilang dalawa ang mamaÂyagpag, iyon ang makakabuhat sa kanyang koponan.
Sa duwelong iyon ay naungusan ni Romeo si Lastimosa. Kaya naman nabalewala ang twice-to-beat advantage ng Fruitas. Tinalo sila ng dalawang beses ng Big Chill na nakaabante sa semifinals kung saan naghihintay ang NLEX.
So, kung sina Romeo at Lastimosa ang main contenders para sa MVP award, angat na kaagad si Romeo sa puntong iyon.
Pero nalaglag na rin ang Big Chil na winalis ng NLEX, 2-0 sa semifinals. Magkaganoon man, siyempre, contender pa rin si Romeo.
Sino ngayon ang karibal niya para sa award.
Natural na isa sa mga manlalaro ng NLEX ang magiging chief rival niya. Idagdag pa rito ang isa sa mga manlalaro ng Boracay Rum at Blackwater Sports na naglaban para sa ikalawang Finals berth. Pambato ng Boracay Rum si Maclean Sabelina samantalang ang main contender na buhat sa Blackwater Sports ay si Allan Mangahas.
Sa kampo ng NLEX, ang lumalabas na main man ay si Jake Pascual na siyang bumuhat sa Road Warriors sa elimination round ng mawala sina Ian Sangalang at Gregory Slaughter. Kung hindi tumindi ang performance ni Pascual sa shaded area kung saan dinomina niya ang rebounds, baka hindi nakadiretso sa semis ang NLEX. Baka hindi nakarating sa Finals ang Road Warriors.
Pero siyempre, dahil nga star-studded ang NLEX, hindi ganun kadami ang statistical points ni Pascual kumpara sa ibang contenders para sa award.
Kumbaga’y hindi mga numero sa papel ang magiÂging basehan para mapili si Pascual. Kandidato siya dahil sa narating ng NLEX.
Very interesting ang magiging resulta ng labanan para sa MVP ng Foundation Cup.
- Latest