Juan Ma mas mahalaga ang KO kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Alam ni Juan Manuel Marquez na malaking prize money ang iaalok sa kanya ng Top Rank Promotions para muli niyang labanan si Manny Pacquiao sa pang limang pagkakataon.
Ngunit mas mahalaga kay Marquez ang ginawa niyang pagpapatulog kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012 kesa sa malaking halagang maaari niyang matanggap sa pakikipagÂtagpo sa Filipino world eight-division champion.
“We know that the offer will be tempting, but it isn’t worth more than the feeling, what was lived, what was acquired after that knockout,†wika ni Marquez sa panayam ng ESPN.com kahapon.
Ilang beses inalok ni Bob Arum ng Top Rank ang 39-anyos na si Marquez para muling labanan ang 34-anyos na si Pacquiao.
Ngunit iginiit ni Marquez na hindi na niya haharapin si Pacquiao matapos umiskor ng isang sixth-round TKO win sa kanilang pang apat na pagtatapat noong Disyembre 2012.
Sa kanyang pagtangging labanan si Pacquiao, hinamon ni Marquez si Timothy Bradley, Jr. para sa suot nitong World Boxing Organization welterweight belt sa Oktubre 12.
Ang nasabing korona ang inagaw ni Bradley kay Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.
Nakatakda namang sagupain ni Pacquiao si Brandom Rios sa isang non-title, welterweight bout sa Nobyembre 23 (Nobyembre 24 sa United States) sa The Venetian sa Macau, China.
- Latest