^

PSN Palaro

Kukunin ng Heat sa Indiana kahit wala si Andersen sa game 6

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Ang kanilang pangatlong sunod na NBA Finals ang target ng nagdedepensang Miami Heat sa kanilang pagharap sa Indiana Pacers sa Game 6 ng kanilang Eastern Conference championship series.

Haharapin ng Heat ang Pacers sa Indiana na ta­ngan ang 3-2 lead sa serye at wala si forward Chris Andersen, pinatawan ng isang one-game suspension.

“We’re desperate, too,” wika ni Heat forward at four-time NBA MVP LeBron James. “We’re desperate to get back to the NBA Finals. So both teams are despe­rate in their own sense of they’re trying to keep their season alive and we’re trying to advance”

Walang koponan ang nanalo ng dalawang sunod na serye matapos manalo ang Heat sa Game 5 mula sa naunang pananaig ng Pacers sa Game 4.

Kung titingnan ang serye, ang Pacers ang ina­asahang mananalo sa Game 6, samantalang ang Heat ang posibleng tumapos sa serye sa Game 7 sa Miami sa Lunes.

Kung mananalo ang Heat, lalabanan nila ang naghihintay na San Antonio Spurs sa NBA Finals sa Game 1 sa Miami sa Huwebes.

“You can’t start thinking about opening up the invitation,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “That’s over there. You can’t even think about that.”

Sa Indianapolis tinalo ng Heat ang Pacers sa kanilang serye noong naka­raang taon patungo sa pagkopo sa NBA cham-pionship.

“Game 6 will really determine how much we’ve grown, because we’ve been in the same ditch, I guess, being in the same predicament,” ani Pacers star Paul George.

Hindi pa natatalo ng dalawang sunod ang Pa­cers simula noong Enero.

vuukle comment

CHRIS ANDERSEN

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

GAME

HEAT

INDIANA PACERS

MIAMI HEAT

PAUL GEORGE

SA INDIANAPOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with