Akala ko’y matatapos na ang dominasyon ng NLEX Road Warriors sa PBA D-League.
Ito’y hindi lamang pananaw ko kundi pananaw ng nakararaming sumusubaybay sa D-League.
Nasambit sigurado nila ito nang makalasap ng dalawang sunod na kabiguan ang Road Warriors sa umpisa ng Foundation Cup.
Ang unang nagpayuko sa Road Warriors ay ang Big Chill, 86-77 sa overtime noong Marso 12. Pagkatapos ay natalo rin ang NLEX sa Cebuana Lhuillier, 71-64 noong Marso 21.
Ang mga kabiguang ito’y nangyari dahil sa hindi kaagad nakapag-adjust ang Road Warriors sa pagkaÂwala ng mga sentrong sina Ian Sangalang at Gregory Slaughter.
Si Sangalang, na siyang Best Player ng nakaraang Aspirants Cup, ay lumipat sa bagong team na EA Regen Medical Group. Si Slaughter, isang seven-foot center buhat sa Ateneo Blue Eagles, ay nag-concentrate sa Gilas Pilipinas kung saan siya’y isang miyembro ng training pool.
Pero matapos na maunawaan ng mga Road Warriors ang kani-kanilang roles sa team, umayos na ang kanilang takbo.
Ang kakulangan sa rebounds ay pinunan ng power forward na si Jake Pascual na siyang umako sa tungkulin bilang sentro.
Hayun, matapos ang dalawang kabiguan ay nagposte ng siyam na sunod na panalo ang NLEX upang makadiretso sa semifinal round. Sa dulo ng elims ay nagbalik sa kanila si Slaughter.
Naghintay ng isang linggo ang NLEX para sa makakalaban nila. Nakatunggali ng Road Warriors ang Big Chill na nanaig kontra Fruitas sa quarterfinals.
Well, parang pinagtiyap ng pagkakataon na angmakakaharap ng Road Warriors ay ang koponang unang tumalo sa kanila sa torneo.
Hayun, nakabawi sila sa Superchargers na winalis nila sa semis, 2-0. Bunga nito’y narating nila ang Finals sa ikalimang sunod na pagkakataon. Buhay na buhay ang kanilang pag-asang maibulsa ang ikalimang sunod na kampeonato.
Makakatunggali nila sa best-of-three championship round ang magwawagi sa duwelo ng Boracay Rum at Blackwater Sports. Napuwersa kasi ng Waves ang Elite sa winner-take-all Game Three sa semis na gaganapin sa Martes sa Blue Eagle Gym.
“Ganun din pala ang suma ng lahat. NLEX pa rin ang mauunang puÂÂmaÂsok sa Finals. At maÂlamang na NLEX pa rin ang mag-champion.†ani isang sportswriter bago pumasok sa press room para sa interview matapos ang laro kontra sa Big Chill ni NLEX coach Teodorico Fernandez III.
Sa totoo lang, ganito na rin ang pakiramdam ng karamihan.
Kasi, kahit na si Boracay Rum coach Lawrence Chongson ay nagsabing secod place na lang ang kanilang pinaglalabanan ng Blackwater Sports.
Pero ayon kay Fernandez, kahit alin daw sa Boracay Rum at BlackÂwater Sports ay makapagbibiÂgay sila ng magandang laban. Hindi naman daw puwedeng magkumpiyansa ang NLEX na maÂkakamtan nila ang korona basta’t pumasok sila sa hardcourt.
Siguro nga’y tama si Fernandez. Kung babalewalain ng Road Warriors ang hamon ng alinmang team na makakaharap nila sa Finals, puwede silang masilat.
Pero kung lalaruin lang ng Road Warriros ang tama nilang laro, unbeaÂtable sila.
Ang tunay na tanong diyan ay: Kailan ba talaÂga matatapos ang dominasyon ng NLEX sa PBA D-League?