PARIS--Umiskor si BeÂthanie Mattek-Sands ng malaking 5-7, 6-3, 6-2 upset laban kay 2011 champion Li Na sa binagyong French Open para makasama ang apat pang American woÂmen sa third round.
“I know how I can play, and, you know, there were times when I just physically couldn’t do it,’’ sabi ng 67th-ranked na si Mattek-Sands. “And I think that’s really frustrating.’’
Nauna nang naisip ng 28-anyos na netter ang magÂretiro matapos sumailalim sa isang surgery isang linggo makaraan ang kanyang kasal noong 2008.
Nagkaroon din siya ng torn shoulder noong 2011 at isang broken right big toe noong 2012.
Mula sa pagiging No. 30 ay bumulusok siya sa top 200.
Naglaro siya sa mga minor leagues at kinailaÂngan pang dumaan sa qualifying para makalaro sa mga torneo.
Bukod kay Mattek-Sands, ang iba pang AmeÂÂricans na pumasok sa third round ay sina No. 17 Sloane Stephens, 54th-ranked Jamie Hampton, No. 1 Serena Williams at No. 29 Varvara Lepchenko.
Tinalo ni Hampton si qualifier Anna Karolina Schmiedlova ng Slovakia 7-5, 6-2, at makakatapat si No. 7 Petra Kvitova, ang 2011 Wimbledon champion.