^

PSN Palaro

Archers pipiliting makatikim uli sa Eagles

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng La Salle na madalawahan ang Ateneo sa kanilang muling paghaharap sa taunang “Dream Game” exhibition match sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Tinalo ng Green Archers ang Blue Eagles, 117-104, sa “Blue vs Green” showdown noong nakaraang taon sa Smart-Araneta Co­liseum na nagtampok sa ka­nilang mga alumni na naglalaro sa PBA.

Ibabalik ng Taft-based school si veteran Don Allado, umiskor ng 23 points para sa La Salle at pumigil sa pagresbak ng Ateneo sa fourth quarter.

Makakatuwang ni Allado sina JV Casio, MacMac Cardona, Mike Cortez, Joseph Yeo, RenRen Ritualo, Ryan Araña, Rico Maier­hofer, Carlo Sharma, TY Tang at Willy Wilson bukod pa kay rookie Simon Atkins.

Si Franz Pumaren ang muling gagabay sa Archers na kanyang iginiya sa apat na sunod na UAAP men’s basketball titles mula noong 1998 hanggang 2001.

Ipaparada naman ng Ateneo sina Chris Tiu, Eman Monfort, JC Intal, Enrico Villanueva, Rabeh Al-Hussaini, Noy Baclao, Wesley Gonzales, Rich Alvarez, Doug Kramer, Paolo Bugia, Eric Salamat at Magnum Membrere.

Si Sandy Arespacochaga, ang assistant ni Norman Black, ang mamumuno sa Blue Eagles.

Nauna nang nanalo ang Ateneo sa La Salle, 88-85, sa kanilang 2005 showdown sa Big Dome mula sa isang game-winning three-pointer ni Villanueva.

 

 

 

vuukle comment

ATENEO

BIG DOME

BLUE EAGLES

CARLO SHARMA

CHRIS TIU

DON ALLADO

DOUG KRAMER

DREAM GAME

EMAN MONFORT

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with