Azkals kinuha si Ott para sa HK tourney

MANILA, Philippines - Isasama ng Philippine Azkals ang Fil-German na si Mike Ott sa pagdayo sa Hong Kong para sa isang international friendly sa Hunyo 4.

Ito ang unang pagkakataon na mapapabilang sa Azkals ang 18-anyos na manlalaro ng TSV 1860 Munchen sa Germany at makakasama niya sa koponan ang nakatatandang kapatid na si Manny.

Mangunguna sa kopo­nan ang mahusay na si Stephan Schrock ng Bu­n-­ desliga 1 club TSG 1899 Hoffenheim.

Ang iba pang kasama ay sina Javeir Patino, Neil Etheridge, Paul Mulders, Rob Gier, Juani Guirado, Chris Greatwich, OJ Porteria, Jason de Jong, Jeff Christianes, Carli de Murga, Phil at James Young­husband, Chieffy Caligdong, Ed Sacapano, at Marwin Angeles.

Ang lahat ng manla­larong ito, maliban sa mag­kapatid na Otts ay mga naglaro sa AFC Challenge Cup qualifiers noong Marso sa Rizal Memorial Football Field at dinomina ito ng host Pilipinas.

Masaya naman si Manny sa pagkakakuha ng kanyang kapatid sa Azkals.

“He’s just 18, I’m not really expecting much right now and he’s only trying to get his experience in the National team. But I think he’ll do well,” wika ng nakatatandang Ott.

Ginagamit ng Azkals ang international friendly  bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa 2014 Challenge Cup sa Maldives.

 

Show comments