MANILA, Philippines - Anim na pangunaÂhing professional teams sa Lithuania ang siyang makakaharap ng Gilas Pilipinas II sa kanilang pagbiyahe sa nasabing bansa sa Hunyo 2.
Ang mangangasiwa sa nasabing training camp ng Gilas II ay si dating LithuaÂnian national team coach Kestutis Kemzura, gumiya sa kanyang bansa sa pagsikwat sa bronze medal sa 2010 FIBA World Championships sa Turkey.
Gagamitin ng NatioÂnals ang naturang training camp bilang paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakaÂtakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City.
Ang naturang torneo ang siyang qualifying meet patungo sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.
Nauna nang inisÂnab ng Taiwan ang Gilas II sa Jones Cup na nakaÂtakda sa Hulyo dahil sa isyu sa pagkakabaril sa isang Taiwanese fisherman ng PhiÂlippine Coast Guard noong Mayo 9.
Ang Nationals ang nagkampeon sa 2012 Jones Cup matapos magbida si LA Tenorio ng Barangay Ginebra sa kanilang pananaig sa United States sa chamÂpionship game.
Sa 13 players na binubuo nina Tenorio, naturaÂlized player Marcus Douthit, Gary David at Japeth Aguilar ng Globalport, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Ranidel De Ocampo, Larry Fonacier, Jimmy Alapag at Jayson Castro ng Talk ‘N Text, Marc Pingris ng San Mig Coffee, June Mar Fajardo ng Petron Blaze at cadet cager Greg Slaughter, isa lamang ang matatanggal sa kanila sa official line-up ng Gilas II.
Sumama na rin sa ensaÂyo ng Gilas II sa San Juan Arena sina Arwind Santos at Denok Miranda ng Petron Blaze at Beau Belga ng Rain or Shine.