MANILA, Philippines - Idaraos ng Association of Boxing Alliances in the Philippines Inc. (ABAP) ang kanilang unang GeneÂral Assembly at OrganizaÂtioÂnal Elections bukas sa Quezon City Sports Club.
Dating kilala bilang AmaÂteur Boxing Association of the Philippines, binago ng ABAP ang kanilang pangalan ayon sa mandato ng International Boxing Association (AIBA) na tinanggal na ang word amateur sa lahat ng organisasyon sa ilalim ng kanilang grupo.
Ang dating “amateur boxing†ay tatawagin nang “open boxing.â€
Ang bagong ABAP ay opisyal na kinilala ng AIBA, Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission at ito ay nakarehistro sa SeÂcurities and Exchange Commission.
Sa nakaraang apat na taon, ang ABAP ay pinamunuan nina businessman-sportsman Manuel V. Pangilinan bilang chairman at Maynilad Water chief exeÂcutive Ricky Vargas bilang president.
Ilang mga kumpanya sa ilalim ng MVP Group ang siyang nagtataguyod sa mga local tournaments at international exposures kasama pa ang mga incentives at benefits para sa mga boxers at coaches.
Ang principal sponsor ng ABAP ay ang pinakamalaking telecommunications network na PLDT at suportado ng Maynilad, Smart at ng MVP Sports Foundation.
Sinabi ni Vargas na mayroon silang 31 voting chapters sa buong bansa at karamihan dito ay mga LGU na pinagdarausan ng mga torneo.
Regular na nagsasagawa ang ABAP ng mga annual boxing tournaments sa Luzon, Visayas at MinÂdanao patungo sa national championships sa paghahanap ng mga potensyal na miyembro ng RP traiÂning pool.