MANILA, Philippines - Umakyat ang viewership at gate attendance raÂtings ng nakaraang Cebuana Lhuillier PBA Commissioner’s Cup Finals.
Ang Game 3 ng PBA Finals ay nagposte ng 4 million viewers sa TV5 sa fourth quarter. Kinakatawan nito ang 31.2% audience share para sa kapana-paÂnabik na pagtatapos kung saan winalis ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra San Miguel sa 3-0.
Ang 4 milyong vieÂwers ang dumuplika sa nakaraang Commissioner’s Cup Game 7 Finals na nagpaÂkita sa tagumpay ng B-Meg Llamados (ngayon ay San Mig Coffee Mixers) laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters.
Ang live broadcast ng Game 1 ay nagposte ng average na 2.5 million vieÂwers o audience share na 18.4%, ayon sa Nielsen Media Research NUTAM data.
Umabot din ito sa tatlong milyong viewers o 26% audience share para sa TV5 sa primetime block.
Sa venue, halos 20,000 (19,768) fans ang nagtungo sa SMART Araneta Coliseum para sa Game 3 noong Mayo 15.
Sa Game 2, tumaas ang viewership sa average na 2.9 million viewers o 21% audience share base sa NUTAM data sa TV5.
Umabot ito sa 3.3 million viewers o 25% audience share noong BiyerÂnes.
Pumuwesto ito sa pang-siyam sa Top 15 EveÂning shows nationwide.
Napuno rin ang SM Mall of Asia Arena ng 17,856 fans sa nasabing petsa.
Ang Game 3 ay nag-lista naman ng bagong all-time record sa attendance para sa isang basketball game sa SMART Araneta Coliseum sa bilang na 23,436 fans.
Binasag nito ang da-ting record na 23,108 na naitala noong Mayo 8 sa semis double-header na nagtampok sa Alaska vs. San Mig Coffee at Brgy. Ginebra San Miguel vs. Talk N’ Text.