^

PSN Palaro

Smart All-Women’s taekwondo tilt sa June 2

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sesentro ang atensyon sa mga lady jins sa Hunyo 2 sa pagsipa ng 2013 SMART National All-Women’s taekwondo championships sa Ninoy Aquino Stadium.

Nasa 600 ang bilang ng mga manlalaro na sasali sa isang araw na torneo na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association at suportado ng Philippine Sports Commission, SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at MILO.

Ayon sa organizing committee chairman Sung Chon Hong, ang mga ka­tegoryang paglalabanan ay sa novice at advance at katatampukan ng aksyon sa senior, junior, cadet at grade school divisions.

Mayroon ding aksyon sa individual at team events sa Poomsae para sa mga co­lo­red at blackbelt students.

Ang torneo ay bahagi ng mahalagang programs ng PTA para tumuklas ng mga may potential sa grassroots upang mapag­yabong ang martial arts sport na ito.

Ang mga PTA chapters at mga branches sa Metro Manila at ibang probinsya bukod pa sa mga military branches ay magpapadala ng kanilang kalahok upang sukatin din ang husay ng mga  pambato sa national team.

Sa ganap na alas-9 ng umaga magsisimula ang aksyon at bukas din ito sa mga nagsisimula sa taek­wondo para makapulot ng dagdag aral sa nasabing tournament.

vuukle comment

AYON

METRO MANILA

NATIONAL ALL-WOMEN

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

SPORTS FOUNDATION

SUNG CHON HONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with