^

PSN Palaro

Phl Youth team U-18 lalaro sa 3x3 FIBA World

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taong 1978 pa noong huling nakapaglaro ang Pilipinas sa World Cham­pionship sa basketball.

Matapos ang mahigit na tatlong dekada, makikita uli ang Pilipinas sa World Championship pero sa pagkakataong ito ay sa 3-on-3 matapos magkampeon ang ipinadalang kopo­nan na suportado ng Energen sa kauna-una­hang FIBA-Asia U-18 sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.

“Hindi namin inakala na mangyayari ito. Natalo kami sa unang game laban sa Qatar pero naipanalo na­min ang anim na sunod na laro, kasama ang sa India (21-19) sa Finals. Iba ang feeling dahil nakapagbigay kami ng karangalan sa bansa,”  wika ni coach John Flores nang bumisita sa PSA Forum.

Ang mga players na kinuha ay sina Thirdy Ra­vena, Kobe Paras, Alvin Tolentino  at Prince Rivero at ayon kay Flores ay hindi mga original players na kanyang ninais sa koponan.

Napilitan siyang bagu­hing ang line-up nang hindi pumuwede sina J-Jay Alejandro at Jay Javelosa.

Napaganda ang pangyayari dahil ang mga nakuhang sina Ravena at Paras ay madaling nagkaroon ng chemistry sa ibang kasamahan. Itinuro rin ni Flores na lahat ng manla­laro ay may kakayahang dumepensa bukod pa sa kahusayan na araruhin ang depensa ng kalaban o bumuslo ng tres.

“Iba ang feeling dahil we took it one game at a time and did our best,” wika ni Ravena, anak ng dating PBA player Bong Ravena at nakababatang kapatid ni Kiefer ng UAAP champion team Ateneo.

Ang kampeonato ay nagresulta upang umaban-te ang koponan sa FIBA World na gagawin sa Jakar-ta, Indonesia mula Set­yem-bre 27 hanggang 29.

Bubuuin ang palaro ng 48 teams kaya’t dadaan uli sa butas ng karayom ang koponan.

vuukle comment

ALVIN TOLENTINO

ASIA U

BONG RAVENA

J-JAY ALEJANDRO

JAY JAVELOSA

JOHN FLORES

KOBE PARAS

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with