Laro Ngayon
(Blue Eagle Gym, Katipunan, Quezon City)
2 p.m. Big Chill vs NLEX
4 p.m. Boracay Rum vs Blackwater Sports
MANILA, Philippines - Bitbit ang siyam na sunod na panalo, hangad ngaÂyon ng NLEX Road Warriors na lumapit sa mithiing makapasok pa sa championÂship round sa pagharap sa Big Chill sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.
Sa ganap na alas-2 ng hapon matutunghayan ang nasabing labanan at matapos nito ay ang pagkukrus ng landas ng Blackwater Sports at Boracay Rum dakong alas-4.
Napahinga ng dalawang linggo ang Road Warriors at Elite dahil diretso silang umabante sa best-of-three semis series bunga ng pagÂlapag sa unang dalawang puwesto matapos ang eliminasyon.
Ang Superchargers at Waves ay dumaan naman sa quarterfinals at ang bagay na ito ay tiyak na nagpatatag pa sa laro ng kanilang mga alipores.
Tinalo ng tropa ni coach Robert Sison ang bataan ni coach Boyet Fernandez sa pagtutuos sa elims, 81-77, pero ibayong paglalaro na ang ipinakita ng NLEX mula ng nagsimula sa 0-2.