Matinding pressure sa Gilas Pilipinas
Kahit paano’y nakakakaba ang sitwasyon ng Gilas Pilipinas National team sa kasalukuyan at para bang napakalayo pa nila sa pormang kinakailangan nilang sapitin upang makapagbigay ng magandang laban sa darating na 2013 FIBA Asia men’s Championship.
Halos dalawang buwan na lang kasi ay mapapasabak na ang ating National team sa mga naglalakasang kalaban buhat sa iba’t ibang bahagi ng Asia. Pero tila hindi pa rin tayo handa.
Kasi nga’y hindi naman talaga in full swing ang naÂging preparasyon ni coach Vincent “Chot†Reyes kahit pa pinili niya ang kanyang mga manlalaro bago nagsimula ang PBA Commissioner’s Cup. Hindi nga ba’t minsan lang isang linggo sila nagkikita.
Napanood ng mga fans ang Gilas Pilipinas squad for the first time sa PBA All-Star Game kung saan isinabak ito kontra sa PBA selection.
Aba’y muntik pang matalo ang Gilas Pilipinas sa larong iyon. Nagtabla ang score sa katapusan ng laro at hindi na itinuloy pa ang laban dahil nga sa exhibition lang iyon.
Pero doon pa lang ay makikita na ang kakapusan sa paghahanda ng RP Team kasi nga’y muntik silang talunin ng isang selection na halos tatlong araw lang nag-ensayo. Hindi ba’t papasok sa larong iyon ay dapat na mas may teamwork na ang Gilas Pilipinas kaysa sa PBA Selection?
Pero okay na iyon. Tapos na ang yugtong iyon at kahit paano’y may napulot na leksyon ang Gilas Pilipinas.
Ang siste’y nabawasan pa ang miyembro ng traiÂning pool ni Reyes. Buhat sa original na 17 miyembro ay buÂmaba ito sa 13 matapos na uuwi sa Estados Unidos si Kelly Wiliams dahil sa blood disorder at maaksidente si Jared Dillinger.
E nagkaroon pa ng injury si Jimmy Alapag. May mga nararamdaman ding sakit ng katawan sina Ryan Reyes at Sonny Thoss.
So bale 12 healthy bodies na lang ang nalalabi. Parang iyon na ang National team natin.
Pero hindi pa opisyal iyon.
Ngayon ay naghahangad si coach Chot na maÂdagÂdaÂgan ang mga miyembro ng kanyang training pool at nag-imbita siya ng ilang PBA players sa ensayo. Dumating sina Arwind Santos at Dennis Miranda upang tugunan ang kanyang paanyaya.
Hindi nakarating si Calvin Abueva na nagdesisyong magpaopera ng kanyang nananakit na tuhod.
Ito ngayon ang nagpapakaba sa lahat. Kasi kahit pa matagal nang nagsimula ang paghahanda ng Gilas Pilipinas, baka mabale-wala lang ang preparasyon bunga ng mga injuries. Baka sa dakong huli ay mauwi na naman sa dating “pulot system†kung saan kakailanganin ng koponan na kumuha ng mga last minute recruits upang palakasin ang team .
Aba’y kahit na kunin pa natin ang lahat ng malaÂlakas at mahuhusay na players, kung hindi naman sila masasanay kaagad sa sistema at hindi makakabuo kaagad ng teamwork paano natin matatapatan ang mga powerhouse teams ng Asya na matagal nang nagkasama-sama at walang problema?
Maiintindihan natin kung may pangamba sa dibdib ni coach Chot hinggil sa ating tsansang mamayagpag sa FIBA Asia Men’s tournament kahit pa nasa panig natin ang homecourt advantage.
Sa totoo lang, doble-doble nga ang pressure sa Gilas Pilipinas.
- Latest