MANILA, Philippines - Nakihati ng puntos si Chinese Grandmaster Li Chao kay Filipino GM Mark Paragua sa 16 moves ng isang Slav Defense sa ninth at final round para angkinin ang $100,000 Asian Continental Chess Championships sa Midas Hotel and Casino sa Pasay yesterday.
Tinapos ng second-seeded na si Li ang torneo na may 7.0 points, ngunit ang kanyang 52-move victory sa isang Sicilian duel laban kay Uzbek GM Marat Dzhumaev noong Sabado ang nagtaas sa kanya.
Tumabla naman ang 29-anyos na si Paragua kina top seed Vietnamese GM Le Quang Liem at GM Oliver Barbosa para sa second spot mula sa magkakatulad nilang 6.5 points.
Subalit sapat na ito para makakuha ng tiket si Paragua sa World Chess Cup.
Ito ang ikaapat na pagÂlalaro ni Paragua sa World Cup matapos noong 2004 sa Libya at noong 2006 at 2010 sa Khanty-Minsk, Russia.
Maglalaro rin sa World Cup sina Li, Le at Indian GM Baskaran Adhiban, tinalo si GM John Paul Gomez mula sa 45-move win sa isang Caro-kann game.