MANILA, Philippines - Tatlong Filipino boÂxers na hinarap ang mga dayuhang katunggali ang nangibabaw para katampukan ang matagumpay na Pinoy Pride 20: Laban kung Laban na ginawa sa Pacific Ballroom sa Waterfront Cebu City Hotel nitong Sabado ng gabi.
Tampok na panalo ang kinuha ni WBO International light welterweight champion Jason Pagara na ginulpi ang Mexicanong si Aaron Herrera.
Bagsak si Herrera sa second round sa matinding kanan ni Pagara at kahit nagawa niyang saktan ang home town bet sa ninth round at tinapos pa ang laban, hindi naman lumusot sa mga hurado ang solidong ipinakita ni Pagara at igawad nina judges Salven Lagumbay, Tony Peson at Arnie Najera ang 115-112, 116-111, at 119-108 unanimous decision.
Umakyat si Pagara sa 31-2 kasama ang 19 KOs habang ikalawang pagkaÂtalo sa 25 panalo ang nalasap ni Herrera.
Umukit naman si Genesis Servania ng third round knockout panalo laban kay Isack Junior ng Indonesia habang ang beteranong si Jimrex Jaca ay sumandal sa kanyang maagang trabaho para idispatsa si Jose Emilio Perea sa unanimous decision at kunin ang bakanteng WBO Oriental light welterweight title.
Ang panalo ni Servania ay nag-angat sa malinis na karta sa 20 sunod kasama ang 8 KOs at maganda itong pabaon sa kanyang paglipad patungong Macau para sa isang laban sa Hulyo.
Umiskor si Jaca ng mga bulto-bultong puntos sa mga matitinding suntok dahilan para maisantabi ang point deduction sa kanya sa ninth dahil sa head butt at ang pagbagsak sa huling 10 segundo ng laban nila ni Perea.