^

PSN Palaro

Jaca, 2 pa wagi sa Pinoy Pride

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Filipino bo­xers  na hinarap ang mga dayuhang katunggali ang nangibabaw para katampukan ang matagumpay na Pinoy Pride 20: Laban kung Laban  na ginawa sa Pacific Ballroom sa Waterfront Cebu City Hotel  nitong Sabado ng gabi.

Tampok na panalo ang kinuha ni WBO International light welterweight champion Jason Pagara na ginulpi ang Mexicanong si Aaron Herrera.

Bagsak si Herrera sa second round sa matinding kanan ni Pagara at kahit nagawa niyang saktan  ang home town bet sa ninth round at tinapos pa ang laban, hindi naman lumusot sa mga hurado ang solidong ipinakita ni Pagara at igawad nina judges Salven Lagumbay, Tony Peson at Arnie Najera ang 115-112, 116-111,  at 119-108  unanimous decision.

Umakyat si Pagara sa 31-2 kasama ang 19 KOs habang ikalawang pagka­talo sa 25 panalo ang nalasap ni Herrera.

Umukit naman si Genesis Servania ng third round knockout panalo laban kay Isack Junior ng Indonesia habang ang beteranong si Jimrex Jaca ay sumandal sa kanyang maagang trabaho para idispatsa si  Jose Emilio Perea sa unanimous decision at kunin ang bakanteng WBO Oriental light welterweight title.

Ang panalo ni Servania ay nag-angat sa malinis na karta sa 20 sunod  kasama ang 8 KOs at maganda itong pabaon sa kanyang paglipad patungong Macau para sa isang laban sa Hulyo.

Umiskor si Jaca ng mga bulto-bultong puntos sa mga matitinding suntok dahilan para maisantabi ang point deduction sa kanya sa ninth dahil sa head butt at ang pagbagsak sa huling 10 segundo ng laban nila ni Perea.

 

vuukle comment

AARON HERRERA

ARNIE NAJERA

GENESIS SERVANIA

HERRERA

ISACK JUNIOR

JASON PAGARA

JIMREX JACA

PAGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with