Sports Science training sinimulan na ng POC sa mga piling atleta
MANILA, Philippines - Nagsimula nang gumulong ang planong Sports Science training para sa piling atleta na patatakbuhin ng Philippine Olympic Committee (POC).
Sa pagdalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon ni POC president Jose Cojuangco Jr., sinabi niyang nakapagtest na ang binuong POC Sports Science team ng 300 national athletes at ang mga nakuhang impormasyon ang siyang magagamit para sa bubuuing programa na idaragdag sa ginagawa sa kanila ng kanilang National Sports Association (NSA) at national coaches.
“Hindi natin kukunin sila sa kanilang mga national coaches at NSAs. Ang kukunin lang natin sa kanila ay ang training sa tamang physical at mental conditioning,†wika ni Cojuangco.
Makakasama sa Sports Science team ay sina Jimbo Saret, Dr. Rey Canlas, Dr. Charles Ho, Dr. Martin Camara at Dr. Ferdinand Brawner.
Sina Sarte, Canlas at Ho na dumalo rin sa forum ang mamamahala sa strength and conditioning, sports psychology at sports vision habang sina Camara at Brawner ang sa rehabilitation at sports medicine.
Tutulong ang Australian expert na si Rick Martin sa pagbuo ng programa.
Si Martin na namalagi rin sa China ay inaasahang darating sa susunod na buwan at mamamalagi sa bansa sa loob ng anim na buwan.
Isang private company ang nangakong susuporta sa programa sa loob ng isang taon at bagamat walang bilang na inilagay si Cojuangco sa kung sino ang makakasama sa programa, ang mga may disiplina at gustong sumailalim sa programa base sa lumabas sa mga interviews ang siyang bibigyan ng ganitong oportunidad.
- Latest