MANILA, Philippines - Dahil sa pagkakaroon ng anak noong 2008 ay nabalam ang pagiging miÂyembro ni Janeth Escallona sa canoe-kayak national team.
Sa kanyang pagbabalik sa aksyon, kumuha si Escallona ng dalawang gintong medalya sa 5,000-meter touring kayak at sa dragon boat tandem kayak event ng 2013 POC-PSC National Games kahapon sa Manila Bay sa Roxas Boulevard.
Nagposte ang 27-anyos na si Escallona ng bilis na 30 minuto at 25.14 segundo para angkinin ang gintong medalya sa 5,000-meter touring kayak at talunin sina Rosalyn Esguerra (31:27.95) at Leonita Banlat (34:28.11).
Nakipagtambal naman ang 27-anyos na tubong Balete, Batangas kay Edgar Galang sa paglilista ng oras na 35:14.89 upang sikwatin ang gold sa dragon boat tandem kayak event.
Isang utility personnel ngayon si Escallona sa PSC matapos mabigong tapusin ang kanyang Marketing course sa Rizal Technological University.
Si Escallona ay kumuha ng gold medal sa 2004 Southeast Asian ChamÂpionship.
“Malaki ang chance niyang makabalik sa national team,†wika ni national team coach Len Escollante kay Escallona.
Sa Rizal Memorial Diamond, tinalo ng Rizal Technological ang ILLAM, 10-3, habang iginupo ng National University, ang runner up sa nakaraang UAAP season, ang Titans, 6-0.
Pormal na binuksan kahapon ang 2013 National Games sa Ninoy Aquino Stadium na pinamunuan nina PSC chairman Richie Garcia at POC president Peping Cojuangco, Jr.