^

PSN Palaro

Lady Eagles pinaghandaan ang pagbangon

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(MOA Arena, Pasay City

1 p.m.  Adamson vs UST

3 p.m.  Ateneo vs NU

 

 

MANILA, Philippines - Kahit si National Univer­sity coach Edjet Mabbayad ay napamangha sa ipinakita ng Lady Bulldogs sa unang laro nila ng Ate­neo para sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference Finals noong Huwebes sa MOA Arena sa Pasay City.

Malayung-malayo ang koponan sa dominanteng laro na ipinakita sa eliminasyon hanggang semifinals dahilan upang yumukod sila sa tatlong sunod na sets, 15-25, 22-25, 23-25.

“Hindi namin naipakita ang tunay na laro na attack and attack,” wika ni Mabbayad.

Naniniwala naman siyang makakabawi ang Lady Bulldogs lalo pa’t naipakita na ng kanyang bataan ang kakayahan nang bumangon  mula sa 1-0 deficit sa semifinals laban sa Adamson nang kunin ang sunod na dalawang laro.

Sa kabilang banda, alam ni Lady Eagles coach Roger Gorayeb na may kakayahan ang Lady Bulldogs na bumangon pa at paabutin sa deciding Game Three ang Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

“Hindi ako marunong mag-underestimate ng kalaban dahil sa aking paniniwala, palaban lahat ng teams sa ligang ito. Lalo ngayon na nasa Finals na,” wika ni Gorayeb.

Pero alam niyang alam na alam din ng kanyang mga bataan na kung bibigyan nila ng pagkakataon ang Lady Bulldogs, mapapahirapan sila sa hangaring ikatlong sunod na titulo sa conference sa ligang may ayuda pa ng Mikasa at Accel.

Kaya’t isang malaking adjustment ang gagawin ni Gorayeb para paghandaan ang Lady Bulldogs.

 

ADAMSON

EDJET MABBAYAD

FIRST CONFERENCE FINALS

GAME THREE

GORAYEB

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LARO BUKAS

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with