MANILA, Philippines - Pinaglaruan ni Filipino Grandmaster Julio Catalino Sadorra ang ginamit na King’s Indian Defense ni Qatari GM Mohammed Al-Sayed para kunin ang isang 47-move victory at sikwatin ang solo lead matapos ang four rounds ng $100,000 Asian Continental Chess Championships sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.
Nakahanap ng butas ang 26-anyos na si Sadorra sa depensa ni Al-Sayed patungo sa kanyang tagumpay.
Kumagat si Al Sayed, naunang tinalo si fifth seed Vietnamese GM Nguyen Ngoc Truong Son noong Lunes sa third round, sa pain ni Sadorra na nagresulta sa kanyang kabiguan.
Isinakripisyo ni Sadorra, ang ikalawang highest Filipino woodpusher sa event sa ilalim ni GM Oliver Barbosa, ang kanyang rook para makuha ang bishop ni Al Sayed.
“I’ve noticed that he’s a very positional player that’s why I set up traps, I’m glad he bit it,†sabi ni Sadorra, may kursong Business Administration sa University of Texas-Dallas, kay Al-Sayed.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Sadorra na lalaban sa fifth round kaÂtapat si GM Mark Paragua, tinalo ang Chinese IM para makatabla sa second place kasama si top seed Vietnamese GM Le Quang Liem mula sa magkatulad nilang 3.5 points.
Nahulog si Al Sayed sa fourth spot kasama ang 10 iba pa mula sa kanilang tig-3.0 points.
Nasa grupo sina Filipino GMs John Paul Gomez, nakipag-draw kay No. 2 Chinese GM Li Chao sa 17 moves ng isang Slav game, Joey Antonio, tinalo si Qatari IM Husein Azis Nezad, at Richard Bitoon, nakipaghati ng puntos kay Indian GM Adhiban Baskaran sa 31 moves ng isang Nimzo-Indian showdown.