Alaskado
Abot tenga ang ngiti ni Alaska team owner Fred Steven Uytengsu matapos kunin ng Aces ang PBA Commissioner’s Cup title nung Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Sanay na si Uytengsu sa panalo sa PBA dahil isa na siya sa pinaka-successful na team owners sa liga. May 14 na title na ang Alaska sa mahigit na dalawang dekada sa PBA.
Sa bawat panalo ay nandun si Uytengsu at ang kanyang pamilya.
Nangunguna pa din naman ang San Miguel franÂchise na may 19 na titulo at sunod na ngayon ang Alaska. Nasa pangatlo ang Crispa na may 13.
Pero disbanded na ang Crispa kaya imposible nang madagdagan ito. Ang Alaska naman, sa tingin ko, ay malayo pa ang patutunguhan.
Naipanalo ng Alaska ang titulo sa pamamagitan ng isang sweep laban sa crowd favorite na Ginebra at sa pangunguna ng bagong coach na si Luigi Trillo.
Bugbog sarado ang Ginebra. Kung baga sa boksing, ni hindi tumama.
Sinisiguro ko na hindi ito ang magiging una’t huÂling PBA title ng Alaska at si Trillo.
Magandang timpla kasi ang hawak ni Luigi ngayon at may team siya na maraming pahihirapan sa mga susunod pa na conÂference.
Mula sa players na piÂnangungunahan nina CalÂvin Abueva at Jayvee Casio hanggang sa assistant coaches na sila Louie Alas, Topex Robinson at Alex Compton.
Eh kahit siguro mag-absent si Luigi ay kayang sumalisi ng kanyang mga assistants. Halos na-master na din nila ang pamosong triangle offense ng Chicago Bulls nung araw.
Masaya din si daÂting Alaska coach Tim Cone para sa Aces na matagal niyang hinaÂwaÂkan bago siya lumipat sa San Mig Coffee.
At tiyak na masaya si Tim para kay Luigi na dati rin niyang assistant.
Panahon na ni Luigi at maganda ang kanyang hinaharap.
Sumakay ka pa!
- Latest