^

PSN Palaro

Escollante pumalag sa PSC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nararapat na ika­tegorya ang dragon boat sa mga team sports na mananalo lamang ng isang gintong medalya.

Sa panayam kay natio­nal coach Len Escollante, sinabi niya na ang dragon boat competition ay binu­buo ng maraming events na puwedeng pagharian ng Pambansang koponan

At dahil nasa ilalim na rin ng Philippine Canoe-Ka­yak Federation, ang mga manlalarong ipadadala sa Myanmar SEA Games sa Disyembre ay maaari ring sumali sa nasabing events.

“Kahit magpadala tayo ng 50 rowers, marami namang events na puwede nilang laruin sa SEAG dahil tulad ng mga individual events, ang dragon boat ay may iba’t-ibang events sa iba’t-ibang distansya.

Makakatipid pa nga ang  PSC kapag nagpadala ng team dahil bukod sa dra­gon boat puwede rin sumali ang mga rowers natin sa canoe-kayak,” ani Escollante.

Naunang sinabi ni Garcia na maliit na delegasyon lamang ang ipadadala sa Myanmar at kasama sa mawawala ay ang dragon boat na isa sa mga priority list ng PSC dahil naipakita na ng bansa na kaya nilang maging world champion sa nasabing palaro.

Nilagyan ng ngipin ang paghahabol ng dragon boat na maisama sa Pambansang delegasyon sa SEA Games matapos manalo ng dalawang pilak at dalawang bronze medals sa katatapos na DBS Marina Regatta noong Sabado at Linggo sa Marina Bay.

May siyam na bansa ang kasali at ang men’s team ang kumuha ng pilak sa larangan ng 200-meters at 500-meters at natalo sila ng Indonesia at Myanmar habang ang women’s team ang nanalo ng bronze medals sa nasabing mga distansya.

BOAT

DISYEMBRE

ESCOLLANTE

LEN ESCOLLANTE

MARINA BAY

MARINA REGATTA

MYANMAR

PAMBANSANG

PHILIPPINE CANOE-KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with