De Leon sasandigan ng NU sa pagharap sa Ateneo
MANILA, Philippines - Hindi ang mga higante sa pangunguna ni Dindin Santiago kundi ang maliit pero mahusay na setter na si Ruby de Leon ang siyang tututukan ng Ateneo kung nais nilang gibain ang National University sa tagisan sa Shakey’s V-League Season 10 Finals na magbubukas sa Huwebes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Si Ruby ang key ng NU,†wika ni Ateneo coach Roger Gorayeb. “If she plays well, NU will have a chance of winning. If not, they will lose and we’ll have a chance.â€
Nasa Finals ang Ateneo sa ikatlong pagkakataon sa first conference ng ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s maÂtapos walisin ang UST sa kanilang semifinals match-up.
Sa kabilang banda, ang Lady Bulldogs ay naÂngailangan ng tatlong laro bago dinispatsa ang AdamÂson.
Ang 24-26, 25-20, 25-15, 25-22, tagumpay sa sudden-death noong Linggo ang nagsilbing tiket ng NU para makapasok sa finals sa unang pagkakataon sa anumang liga sa volleyball.
Si De Leon ang number one setter ng ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa at sa Final Four ay nag-average siya ng 37 excellent serves nang kinuha ng National University ang huling dalawang laro sa best-of-three series.
“Magagaling ang mga spikers ng NU pero ang kanilang ipakikita sa laban ay nakadepende pa rin sa gagawin ni de Leon,†dagdag ni Gorayeb.
Ang mananalo sa GaÂme One ay magkakaroon ng pagkakataon na kunin na ang titulo sa Mayo 26 sa MOA Arena.
- Latest